Saturday, December 11, 2010

Imposible Part 27

In my end is my beginning
- Jean de la Fontaine

Hay naku. Nasa hospital ako ngayon. Guess what? Buntis ako. Yep. Could you believe it? Me, Miss Model, pregnant with a child! I'm five months pregnant. It's around eight months since the wedding occurred. Eight months since I last saw Yomz.

Hmm... Yomz. I still remember him fondly. We had a lot of good memories together. And every hardship that I had was worth the pain. It was really worth it. Pero, masaya na ako sa pinili ko. Sa tingin ko, dito talaga ako dapat. Nasa ospital, buntis at naghihintay sa resulta ng ultrasound; dala dala ang anak namin ni Pao.

So what's next for me? Well, basically it involves me staying home and taking care of my kids. Yes, I do plan on having more than one ^^. Nakaka-excite nga. Domestic life agrees with me. Hehe.

Siguro may mga ibang nag-iisip, why give up a good career when you can be a mom and have a career in the first place? All that about female empowerment and all the other bullshit women groups say. Simple: it's my choice. I think true feminism entails that a woman makes her own decisions without others saying anything. True feminism is about a woman's ability to choose what she wants to be. Others choose a successful career and to live a very driven life. That's ok. But it's also ok to choose to settle down and just take care of the kids at home. Hindi ako kukuha ng yaya. Nope. I'm going to take care of them myself. Gusto ko maramdaman na lumaki ang mga anak ko. Gusto ko na maramdaman nila na nandito ang nanay nila tuwing may pangangailangan sila.

“Nicole?”

“Yes, Pao?” ang sabi ko. Tiningnan ko siya at ngumiti.

“Worried?” ang sabi niya na may pag-aalala sa boses. Nginitian ko lang siya at hinawakan ang kamay niya. Nang biglang naisipan ko ang tanong na matagal ko ng gustong itanong sa kanya.

“Pao... If the world will end and if you're the only who could save it but you were given a choice: either save the world and in return you'll lose me or let the world end and just be with me forever. What would you do?”

Tiningnan ako ni Pao. Sabay tinawanan niya ako. I pouted.

“Why are you laughing at me? I'm serious here.”

“You are?” ang sabi ni Pao.

“Yeah.” ang sabi ko na may halong pagkairita sa boses.

“Well...”

After a few minutes...

“Oh... ano na Pao?” sabi ko. Tiningnan ako ni Pao ng mabuti.

“I'll save the world Nicole...” ang sabi ni Pao. Napatingin ako sa kanya.

“So... tama nga siya...” ang binulong ko sa sarili ko.

“What did you just say?”

“Huh? Nothing. Nothing. Bakit naman Pao?” ang tanong ko.

Bago niya masagot ang katanungan ko, dumating na ang aming doctor. Binigyan niya kami ng selyadong envelope. Nasa loob ang resulta ng ultrasound. Ngayon... lalake ba o babae? Nawala na ang katangungan sa isip namin at nakatutok na kami sa resulta nito.

“Buksan ko na ba?” ang sabi sa akin ni Pao. I merely nodded in response. Medyo kinakabahan rin ako pero ayos lang I guess. Hindi ko pa alam kung ano ipapangalan ko....

“Nicole...” ang sabi ni Pao; tiningnan niya ako at ngumiti, “It's a boy hun.”

“Wow.” ang sabi ko. May isang luha na nakawala sa aking mga mata at dumalas lampas sa aking mga pisngi.

“What shall we call him?” ang sabi niya. At dun ko nalaman kung ano ang ipapangalan ko sa kanya.

“Yomz...”

~Wakas~

No comments:

Post a Comment