Destiny grants us our wishes, but in its own way, in order to give us something beyond our wishes. - Goethe
Minsan may isang babaeng dumating sa buhay ko. Isang babae na hindi ko inaasahan na magmumulat sa aking mga mata. At lalong hindi ko inaasahan na dito ko siya makikita sa Basement. Oo, dito kung nasaan ako ngayon kami unang nagkita mahigit anim na buwan na ang nakakalipas.
Nakaupo lang ako dito, nakaharap sa dance floor, may yosi sa labi at may alak sa kamay. Kakarating ko lang at naghahanap ng babaeng makakasama ko ngayong gabi. Hindi ko napansin na lumapit siya sa bar hanggang narinig ko siya magsalita.
"Isang red horse..." sabi niya. Halata sa boses na naiirita siya. Tiningnan ko siya ng mabuti. Kilala ko siya. Siya si Nicole, yung bagong model na lumalabas sa TV. Ang babaeng sinasabi nila na nagmamay-ari ng pinakamagandang mukha ngayon. "Wow! Katabi ko ang isang celebrity..." sabi ko sa sarili ko. Maganda nga naman talaga siya. Napaka-inosente ng dating. Pulang-pula ang labi. Makinis ang balat. Ang buhok niya na bagay sa isang shampoo commercial, lagpas lang ng kaunti sa mga balikat niya. Naka-tube siya at low pants. Kitang-kita yung linya nung tatoo niya sa likod. 'Lupet ng dating niya kahit simple lang ang suot.
Dumating na ang inorder niya. Hinawakan niya at nilaklak. Ilang segundo nakadampi ang bote sa kanyang mapupulang labi. Pagkababa niya ay halos nangangalahati na ang bote. Nakakagulat. Naisip ko na ganyan ba talaga siya uminom o talagang galit na galit lang siya?
"Oi. Naririnig mo ba ako? Salita ka naman."
Nawala ako sa pagmumuni-muni ko. Napailing ako at binuka ang aking mga bibig. Hindi ko namalayan na kinakausap niya ako.
"Sorry, may iniisip lang ako..." sabi ko. Naasar ako sa sarili ko dahil yun lang ang nasabi ko. Natameme ako sa kanya. Nasaan na ang mga matatamis na salitang nakaakit ng ilan nang mga babae? Nasaan na ang mga salitang kayang magsalba sa akin sa kahit anong gusot?
"Weirdo..." ang pabulong na sabi niya. Ouch. Strike one. "Oo nga pala, bakit ka nga ba nakatingin sa akin ng ganun kanina?" sabi niya sa akin.
"Wala lang."
"Wala lang? Eh tinitingnan mo ako kanina na parang bumaba ang Diyos mula sa langit at sinabi niya na katapusan na ng mundo, tapos wala lang?" Nakakainis na ito ha.
"Fine. Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang babae na lumagok ng beer na kasing lakas mo, miss model..." sabi ko, halatang naiirita na rin. Lalo siyang naasar sa akin.
"What's that supposed to mean?" Aba, nag-inggles pa!
"Forget about it miss model." Kung patarayan at pasupladuhan lang, kaya ko siyang tapatan.
"Fine. Whatever..." sabi niya sabay umalis na. Pero ewan ko ba at kung ano ang naisip ko at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
"Hey, wait..." sabi ko. Humarap siya sa akin at nilagay ang isang kamay niya kanyang bewang.
"What?"
"I'm sorry for what I said. I didn't mean it. Uminit lang talaga ang ulo ko."
Nanlaki ang mga mata niya. Nagulat ata sa mga sinabi ko. Pagkatapos ng ilang saglit, nagbuntong-hininga siya at umupo sa may tabi ko. Nakatingin siya sa dance floor.
"I'm sorry too. Nabu-bwiset lang kasi ako sa BF ko." May BF na pala siya. Sayang naman. Sabihin man nilang gago ako, hindi ako nanunulot ng GF ng iba. Pero bakit ko nga ba iniisip yun? Hindi naman magiging kami.
"Bakit naman? Ako nga pala si Yomz..." sagot ko.
"Eh kasi gusto pa niyang pumunta dito kahit alam naman niyang hindi ko trip 'tong lugar na ito. Masama pa noon, nag-CR lang ako, may iba na siyang kasama paglabas ko. Nicole nga pala ang pangalan ko. Pero alam mo na ata yun..." sabi niya sa mas mahinahong boses.
"Alam mo naman sa ganitong lugar, hindi maiiwasan ang ganun..." sabi ko.
"I know pero... di ba? Makikipagsayawan ka ba sa isang tao na hindi mo kilala? Lalo na at may GF ka pa? Ah ewan. Selosa lang siguro ako. Nakakaasar..." sabi niya.
"Gantihan mo na lang. Makipagsayaw ka rin sa iba..." sabi ko ng pabiro. Ngumiti siya at tumawa.
"Oo nga no! Tara sayaw tayo..." sabi niya sabay tayo.
"Ha? Nagbibiro lang ako." Nakakagulat naman 'tong babaeng ito.
"Ano ka ba? Ayaw mo bang makasayaw ang isang model na katulad ko?" sabi niya habang nakangiti. Grabe 'to. Sinong lalake ang tatanggi sa ganitong alok?
"Teka lang. Ubusin ko muna..." sabi ko.
"Sus, yaan mo na yan..." sabi niya sabay hila sa akin.
Pumunta kami sa gitna at nagsayaw. Una, medyo may pagka-awkward ang sayaw ko. Ninenerbyos kasi eh. Nahalata rin niya at pinagtatawanan ako. Pero sa huli, nawala ako sa musika at sa piling niya. Nabubuhay ako para sa mga ganitong sandali. Ang sandali kung saan nakakalimutan ko kung sino ako at kung gaano kalungkot ang buhay ko. Wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid. Si Nicole at ang musika lang ang tanging nasa isip ko.
Pero lahat ng bagay ay may wakas, pati na ang mga sandaling ganito. Tanggap ko na pero mahirap pa rin pakawalan. Hinawakan ako ni Nicole sa braso at hinila niya ako palapit. Nilapit niya ang kanyang mga labi sa tenga ko.
"Alis tayo dito..." sabi niya. Ha? Nananaginip ba ako? @#$%&, kung malaman kong panaginip lang 'to, masisira ang araw ko bago pa man magsimula.
"Saan naman tayo pupunta?" sagot ko.
"Kahit saan..." sabi niya. May kakaiba akong naramdaman sa sinabi niyang 'yun. Sa mga ganitong pagkakataon, isa lang ang maari mong maisagot.
"Tara."

No comments:
Post a Comment