Friday, December 3, 2010

Imposible Part 3

First, the man takes a drink, then the drink takes a drink, then the drink takes the man. - Japanese Proverb

Isa.
Malapit lang naman ang pinuntahan namin. Dito pa rin naman kami sa Eastwood. Sa OJ's. Ayos naman. Akala ko mag-uusap lang kami, pero iba ang trip ni Nicole. In-order niya ang pinakatraydor na inumin na nakilala ko: si JC. Jose Cuervo. Tequila.
"Ano? Bakit ka nagulat? Kala mo ako hindi ako umiinom ng ganito?" sabi ni Nicole habang tinitingnan ako na may ngiti sa kanyang mukha.
"Haha. Ewan. Baka hindi ka tumagal. Nag-aalala lang ako. Isang bote ata 'to. Dalawa lang tayo..." sabi ko.
"Sus. Don't worry. I can handle myself. Ano, isa pa?" yaya niya.
"Whatever rocks your boat..." sabi ko. Kinuha ko yung bote at nilagyan ko ang shot glass niya. Pagkatapos naman, nilagyan ko 'yung akin. Nilagyan ko ng asin ang balat sa gitna ng aking hinlalaki at hintuturo ng kaliwang kamay. Sa kabilang kamay naman, itinaas ko ang shot glass para makipag-toast kay Nicole. Ginawa rin niya ang aking ginawa.
Pagkatapos marining ang tunog ng basong nagbanggaan, dinilaan ko ang asin sa aking kamay sabay ininom ang tequila. Tapos ay sinundan ng pagsipsip ng lemon.
"Aaah..." sabi ko pagkatapos. Hayop sa tama!
"Ano isa pa?" sabi ni Nicole.
"Sure..."
Apat.
"Plano mo palang mag-doktor. Eh, bakit mo pinapatay ang sarili mo sa yosi at alak?" tanong niya. Napangiti ako.
"Trip-trip lang. Tama na satsat. Inom ka na lang, miss model."
"Game."
Walo.
'Langya. Nakakaelibs na 'tong babaeng 'to. Talagang siniseryoso ang sinabi ko kanina. Mabait naman pala 'to eh. Kahit model at medyo may pagkamaarte.
"Grabe. Takot na takot ako sa unang VTR ko. Trese pa lang ata ako nun. Dinala ako nung kaibigan ko sa tita niyang talent manager. Iyak ako ng iyak nun. Pero natanggap pa rin. Ayun. 'Yun 'yung una kong commercial..." kuwento niya.
"Ngek. Iyakin ka pala..." sinabi ko ng pabiro.
"Hoy! Hindi ako iyakin no!" sabi niya.
"Eh ba't ka umiyak?"
"Ah... eh... tumahimik ka na nga. Shot na nga lang tayo..." sabi niya. Tumawa ako.
"Whatever helps you sleep at night."
"Shut up."
Labing-lima.
Umiikot na ang mundo ko. Medyo tipsy na. Pero siya, malakas na ang tama. Tawa ng tawa. Nagku-kwento na naman siya tungkol sa "adventures" niya. Pero wala akong naiintindihan. Ang sarap niyang kasama. Kakaibang babae. Sobrang ganda pa. Kontento na ako sa gabing ito.
"Yomz? Hello?"
"Ha? Sorry. Ano nga pala sinasabi mo?" sabi ko.
"Tsk tsk. You're not listening to me. I feel so insulted..." sabi niya ng pabiro. Aba, aba. May pa-insulted-insulted pang nalalaman 'tong babaeng ito.
"Ang ganda mo kasi e. I can't stop losing myself in your eyes..." sabi ko. Nakana! San nanggaling 'yun? Ako ba nagsabi nun? Hahaha.
"Bolero!" sabi niya, sabay tawa. Pero halatang namumula siya.
"Siyempre. Hindi mo ba alam na talo ng bolero ang gwapo?" sabi ko.
"Fine. Tama na nga. Inom ulit."
Bente.
Putek. Ubos ang isang bote. At ang lakas na ng tama ko. Alam ko pa naman umuwi, so ayos lang.
"Ano? Order pa tayo ishang bote? Isha pa?" sabi niya.
"Nicole, 'di mo na kaya. Let's call it a night..." sabi ko sa kanya. Bigla siyang tumayo at tiningnan ako ng masama. Grabe. Nakakatakot tumingin 'to ah.
"Kaya ko pa no! Tara, isha pa..." Hindi na rin niya naituloy at nawalan na rin siya ng malay dahil sa sobrang pagkasabog.
Sinalo ko siya sa aking mga kamay at iniupo ko siya. Tulog. Knock-out. Pero teka, may nakakalimutan ako. Ay. Shet!
Tinaas ko ang kamay ko at tinawag ang waiter. "Yung chit boss."
Dinukot ko ang wallet ko at binilang ang pera. Bwiset. Ako

No comments:

Post a Comment