Saturday, December 11, 2010

Imposible Part 22

*click*

..........

I complain
When nothing's even wrong

Ayan. Narinig ko na naman ang favorite kong kanta. Alam ko na hindi ganun kasikat pero wala lang. I guess what I liked about it is what it says. It's nice to hear from time to time.

Anyway, nawawala na 'ata ako. Sorry. Medyo nagpapaisip lang. Kakasakay ko lang sa kotse ko papunta na sa kasal ng isang babaeng dumating sa buhay ko, binago niya, at umalis agad-agad.

Pero bakit nga ba ako pupunta?

Dahil gusto kong magpaalam o dahil nangangarap pa rin?

And you're ashamed
Cause you're not quite that strong

Masisisi niyo ba ako kung patuloy ko pa ring hinahabol ang isang tao na muntik ko nang maabot? Sino ba namang hindi? Oo. Tanggap ko na nga pero sa kaloob-looban ko, meron pa ring nangangarap. Meron pa ring boses na nagsasabi na ituloy ko pa. Na itigil ko ang kasal at sabihin sa kanya sa huling pagkakataon na mahal ko siya. Alam ko na kasalanan ang mang-agaw ng kasintahan ng iba lalo na sa kasal nila pero kung makukuha ko siya muli, ayos lang ang magkasala. Ayos lang magmukhang masama basta matupad lang ang pangarap.

Alam ko. Alam ko. "Bakit mo ba pinipilit ang hindi dapat Yomz? Bakit ba ginugulo mo pa ang buhay mo na naayos na rin sa wakas?" Iniisip ko rin yun. Nag-aalangan pa rin ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko o hahayaan kong mangyari ang kasal. Pero paano kung ang lahat ng ito ay pagsubok lamang? Kung sinusubukan ng kung sino man ang naghahari sa lahat ang pagmamahal ko kay Nicole? Malay mo meron kang Diyos at ang buhay ay isang drama na siya lang ang nakakaalam kung anong mangyayari?

At ano pa ang silbi ng maayos ng buhay kung hindi mo naman makakasama ang taong mahal mo?

That's when I said I'll need
More than you can offer me
I miss your face as you can tell
I hope my absence makes you well

Pero ang tanong: Papayag ba siya na sumama?

Hindi lang ako ang kailangang gumawa ng desisyon na 'yun. Si Nicole rin ang kailangang pumili. Ako ba o yung boyfriend niya? Pinapapili ko na naman siya. Bakit ba tuwing nagkikita kami, may desisyon na kailangang gawin? Ano ito? Isang napakasamang kwento ng pag-ibig? Kung ganoon nga, napaka-'langya naman ng gumawa nito.

I am shy
I never speak a word
And you are numb
From all the things you never heard

Teka. Nasan na ba ako? Ayun. Dito ako liliko. Malapit na ako. Kinakabahan na ako. Ano nga ba gagawin ko? Shet. Napakahirap namang maging ako. Sa totoo lang, hindi na ako makatulog ng mahimbing simula noong nalaman ko na ikakasal na siya. Lahat ng emosyon, bumalik ulit hanngang sa 'yun na lang ang naiisip ko. Parang yung... Zahir.

Alam nyo ba yung Zahir? Yung tipong isang tao na nakilala mo na lagi mong iniisip na hanggang sa mapansin mo na siya na lang ang nilalaman ng isip mo. Astig 'no? Nabasa ko kay Paolo Coelho yan.

That's when I said I'll need
More than you can offer me
But now I own an empty space
And I can't fill it with your face

Ayun, nandito na ako. Ito na 'ata 'yung simbahan. Ito na Yomz. Ito na ang panahon na hinihintay mo at ang panahon na kinakatakutan mo. Relax. Breath in. Breath out. Kaunting lakas ng loob. Ok. Ito na.

Binuksan ko ang pinto at isasarado ko na ang makina ng kotse nang may nagbukas ng passenger seat. Shet. Ano 'to? Magnanakaw? Ano ba naman yan. May carnapper sa parking space ng simbahan. At sa lahat ng araw, ngayon pang araw na ito.

"Hi Yomz..."

Holy shit!

Cause what I didn't know
Is I was killing you
I said a lot of things that I didn't mean to
But I am older now
And I believe in you

Tumingin ako ng dahan-dahan. Nakaputi siya. Wedding gown. Tiningnan ko ang mukha niya. Ouch. Siya nga 'yun. Si Nicole ang sumakay. Ang weird naman nito. Coincidence ba o ang kapalaran na hindi ko pinapaniwalaan.

"Oh? Baka gusto mong isarado ang bibig mo at baka kung ano ang pumasok diyan?" sabi niya.

"Ha? Sorry, sorry. What the hell is happening here?" sabi ko kay Nicole.

"I don't know. What I know is gusto kong umalis dito. Please, if you will..." sabi niya.

I just shrugged, closed the door again and drove off.

So I can wait awhile
If it brings me back to you



(Imposible is by imperfect of Ragnaboards)

Blog EntryImposible - Part 22Feb 4, '09 8:06 PM
for everyone
We must accept finite disappointment, but we must never lose infinite hope. - Martin Luther King, Jr.


"Ate, isang West Ice..." sabi ko sa tindera. Binuksan ko ang kaha ng yosi, tinanggal ang foil sa harap at kumuha ng isa. Kumuha ako ng stick, binaliktad ko at ibinalik sa kaha. 'Yan ang wish stick ko. Kumuha ako ng panibago, tinaktak, sinindihan at dahan-dahang inilapit sa aking mga bibig. Hithit. Buga.

Nakaka-ilang buwan na rin pagkatapos noong huling gabing kasama ko siya. Pero alam nyo, naririnig ko pa rin ang Canon in D sa utak ko. At syempre, kasama nun ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa. Ano na kaya nangyari dun? Wala na akong balita e. Hindi naman ako mahilig tumingin sa entertainment section ng dyaryo.

Madami na ang nagbago sa buhay ko simula noong gabing naghiwalay kami. Unang-una, nagbati na kami ni Jerems, yung kaibigan ko na nakipag-ano kay Andrea. 'Yun. Masakit ang ginawa nya pero sayang 'yung pinagsamahan namin kung hindi na kami mag-uusap dahil sa isang pagkakamali (at least, 'yun 'yung sinabi nya sa akin). Pero bagong simula ito. Kailangang magbalik ang tiwala namin sa isa't isa.

As for Andrea, well, nag-usap na kami ng masinsinan. And we decided to break our on-off relationship for good. 'Yun lang ang paraan upang maging maligaya kami pareho. Pero nawalan man ako ng isang kasintahan, nagkaroon naman ako ng kaibigan.

Ako naman, ayun, konsentrado sa pag-aaral. Naghahabol ng DL, nangangarap na sana umabot. Naghahanda sa med school. Inayos ko na ang buhay ko. May mga bisyo pa rin pero hindi na patapon ang buhay ko. She really changed my life kahit na hindi kami nagkatuluyan. And for that I will forever thank her. She gave me hope.

Noong umpisa, hindi ko matanggap ang desisyon niya. Deep depression. 'Yun 'yung isa sa mga lowest points ng buhay ko. Umuwi ako gabi-gabi ng lasing, pumasok ng may hang-over. Pero ako rin ang pumigil sa sarili ko. Naalala ko lahat ng natutunan ko sa ilang araw na kasama ko siya. Ang pagmamahal niya sa buhay. At ang pagtrato niya sa bawat araw bilang isang biyaya. Kaya ayun, sinubukan kong ayusin ang buhay ko.

At ito ako ngayon, kuntento na sa buhay ko. And why not? May magandang kinabukasan na naghihintay sa akin. Masaya ako pero minsan nalulungkot rin. Sino ba namang hindi? Pero babangon rin naman ako.

Teka lang ha. Mukhang may nagtext sa akin.

Hi! Andrea here. Kilala mo pala si Ate Nicole, hindi mo sinabi sa akin. Anyway, she's inviting you to her and Kuya Pao's wedding next month sa Tagaytay. Text you all the necessary details tomorrow.

Ouch. Ikakasal na pala siya. Masakit pa rin ang sugat pero kakayanin ko 'to. May kirot pa rin pero ano pa bang magagawa ko? Hindi ako ang pinili niya... Si Pao ang pinili niya. And I have to live with that choice. Tanggap ko pa naman e. At least, thankful pa rin ako na hindi pa rin niya ako nakakalimutan.

Pupunta ba ako? Syempre, I wouldn't miss it for the world. I owe her that much. I have to be there. Wala akong masamang balak sa pagpunta, I just want her to be happy with her choices. Pero syempre, may mga gabing nag-iisip pa rin ako kung ano kayang nangyari kung ako ang pinili niya?

Kumuha ulit ako ng isang yosi at sinindihan ito. Tiningnan ko ang mga bituin at muling inisip ang bituin na muntik ko nang maabot...

No comments:

Post a Comment