Saturday, December 11, 2010

Imposible Part 24

It is with true love as it is with ghosts; everyone talks about it, but few have seen it. - François de la Rochefoucauld


Ano ba ang tunay na pag-ibig? Paano mo masasabi na mahal mo na talaga ang isang tao? At paano mo malalaman na tunay nga talaga ang damdamin mo? Mahihirap na tanong na pawang walang tiyak na kasagutan. Pati ang ating mga pilosopo at kung sino man ay hindi magkasundo sa kung ano nga ba talaga ang tunay at wagas na pag-ibig.

Hindi man natin alam kung ano ang tiyak na depinisyon ng pag-ibig, alam natin kung ano hindi ang pag-ibig. Hindi siya pagsasakripisyo ng ating sarili. Kaya sana huwag tayong maniwala sa mga taong ipinapangako ang langit at mga bituin. Hindi hibang ang pagmamahal at hindi ito nangagako ng imposible. At lalung-lalo nang hindi umiikot ang mundo sa iisang tao lamang. Ika nga, "it takes two to tango". Kung ang pag-ibig ay magiging tunay, pareho dapat silang makikinabang. Unconditional love nga pero unti-unting nawawala naman ang iyong pagkatao. Dapat siguro sa pag-ibig, you learn to become "me" even though it's an "us". At siguro ang pinakaimportante, irespeto ang indibidwalidad ng isang tao at huwag itong hayaang mawala. Dahil kung binago mo ang isang tao sa ayon sa gusto mo, hindi mo siya minamahal, ang minamahal at ang imahen na gusto mo siyang maging. Maling-mali 'yun.

Ngek. Napapasenti na naman ako. Pasensya na. Napapaisip lang sa mga nangyari, nangyayari at mangyayari. Runaway bride... Who would have thought? Pagkatapos kong magdesisyon na magprotesta sa kasal, ito pa ang nangyari. It's like right out of the movies, huh? Or like a cruel play where no one knows the script and how it will all end.

Tiningnan ko ang bride-to-be. Pagkatapos ng ilang buwan na hindi ko siya nakikita, wala pa ring nagbago. Siya pa rin ang pinakamagandang nakilala ko. Pero parang may kulang sa kanya na hindi ko malaman kung ano. Pero... maganda pa rin siya. Ewan ko ba kung bakit lagi akong nabibighani sa bawat saglit na nakikita ko siya.

"Hey..." sabi ko sa kanya habang bumalik ang tingin ko sa kalsada. Mahirap na.

"Hey..." sagot niya na hindi tumitingin sa akin. Halatang paiyak na siya; pinipigilan lang niya.

"So... what happened?" tanong ko.

"I..." sabi niya bago tumigil. Naghintay ako. Ang mga ganitong bagay, hindi minamadali. Mahirap 'ata ang ginawa niya kaya respeto muna. Huwag pangunahan.

"I... I have no idea, Yomz..." sabi niya. At doon nagsimulang tumulo ang kanyang luha. Hindi naman hagulgol na matatawag pero something... subtler. More reserved. Pero kahit ganun, ramdam mo pa rin ang kalungkutan na bumabalot sa kanya ngayon.

"Want to talk about it?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. But not here. Especially not in your car..." sabi niya.

"Ngek. Why not?"

"Because Yomz... I want to talk about this in some place neutral. This car has your personality written over it. It's intoxicating. Your very presence is intoxicating. This place overwhelms me. Somewhere else would be better. Some place nice, peaceful and happy. Could you do that for me Yomz?" sagot niya.

"Sure Nicole. Fine by me..." sagot ko.

Hindi na muna kami nag-usap pagkatapos nun. Siya, abala sa pag-iyak at ako, hinahanap ang isang lugar na pinapahanap niya. Finally, itinigil ko ang kotse sa isang tabi.

"Nicole, I think this is the perfect place. It's a hill overlooking the Tagaytay Highlands. May isang malaking puno na nagbibigay lilim dun para hindi tayo gaanong maarawan. You fix yourself or do some thinking here if you want. I'll leave the keys here, ikaw na ang bahalang magsarado sa kotse. I'll be waiting for you by the tree..." sabi ko sabay labas ng kotse.

Hindi ko na hinintay kung ano ang sasabihin niya. Bago ako umapak sa damuhan, tinanggal ko ang sapatos at medyas ko. Masarap kasi maramdaman ang damo sa ilalim ng mga paa ko. Ewan ko ba kung bakit. Dahan-dahan akong naglakad paakyat hanggang makarating ako sa may puno. Naupo ako sa damuhan, habang nakasandal sa may puno. Ang ganda talaga sa mga lugar na ganito. Ilang minuto siguro akong nakatitig sa kawalan. Kung ganito lang katahimik ang mundo. Sana.

Hindi ko naramdamang umupo si Nicole sa tabi ko. Inayos niya ang wedding dress niya. Wala rin siyang sapatapos. Nilapit niya sa katawan niya ang kanyang mga tuhod. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod. Pagkatapos nun ay pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. 'Sarap ng ganitong pakiramdam. Isipin mo na lang, dalawang tao na nakaupo sa ilalim ng puno. Tahimik ang lahat and everything is just perfect.

"You chose the right place. Thanks..." sabi niya.

"No problem. So..." panimula ko.

"Shh... I'll talk when I'm ready. Just sit and wait..." sabi niya.

Whatever works for her I guess. Tinuloy ko na lang ang pagmamasid at pakiramdam ng hangin. Parang... perpekto ang lahat. Tahimik ang mundo. Ang babae ng iyong panaginip, nakapatong ang ulo sa mga balikat mo. Minsan lang mangyari ang ganito. Wala ka nang pakialam sa lahat. Basta sa saglit na ito, kayong dalawa lang ang tao sa mundo.

Everything else doesn't matter. All that matters is the peace you feel here. The perfectness of the situation. All troubles seem to melt into the background. Nothing else is more important in this time... in this place. This is everything you've ever dreamed about that you never actually knew. It's something that you never knew you've wanted; no matter how cliché it might sound.

Ilang minuto pa at nagsimula nang magsalita si Nicole...

No comments:

Post a Comment