Saturday, December 11, 2010

Imposible Part 11

You cannot be lonely if you like the person you're alone with. - Wayne W. Dyer


Time: 10:05 AM.

Wow. Late na naman ako. Tsk tsk. Palibhasa natagalan ako sa pagligo. Halos nalunod nga 'ata ako sa tagal eh. Tapos langyang trapik 'yan! Yung usual kong 10-15-minute drive, muntik nang umabot ng 30 minutes. Demonyadong traffic. Hindi pa ako mabilis na nakahanap ng parking space. Tsk tsk. Sabog yata ang araw ko, man.

Binibilisan ko na ang aking paglalakad papunta sa Strabucks. Noong nakita kong malapit na, inayos ko ang sarili ko at casually na naglakad. Siyempre, dapat cool na cool sa paglalakad. Wa-poise kasi kung nagmamadali. Kahit na late ka, basta hindi mawala ang composure mo, astig pa rin ang kakalabasan mo. Trust me.

Ayun siya. Nakaupo at nagte-text. Ang ganda niya. Jeans lang at spaghetti strap ang suot niya pero halatang-halata siya. 'Ganda kasi e. Hay... Lakas na ng tama ko sa babaeng 'to. Tinanong ko sa sarili ko... Kinakabahan ba ako? Oo 'ata. Ewan ko. Siguro nga importante ito, isa sa pinaka-importanteng gagawin ko sa buong buhay ko pero naiisip ko rin na mangyayari ang mangyayari. Bahala na. Basta maging totoo ako sa sarili ko. Yun lang naman ang kaya ko talagang gawin: ang maging ako.

"Hi. You look so beautiful. Sorry I was late..." sabi ko.

"Yomz, kung gusto mong magpa-impress, 'wag kang mambola. Kumita na yan. Strike one ka na..." sabi niya sabay ngiti, complete with those adorable dimples.

Basted. Sabog. Haha. Pero wait... the comeback:

"Nicole, hindi ako marunong mambola. Kung sinabi ko maganda ka, 'yun talaga ang katotohanan..." sabi ko.

"Nice save. Haha. So what do you have in store for me?"

"Tara. Studio pic muna... hehe..." sabi ko.

"Ngek. Baket?" tanong niya.

"Let me put it this way, after two meetings, I might never see you again. So maybe, I'm saving this moment so that I won't forget you..." sabi ko. Totoo.

"Sounds pessimistic..." sabi niya na halos pabulong sa sarili.

"It's realistic. I try to prepare myself for whatever happens. Motto ko yan eh. Expect the best, but always prepare for the worst..." sabi ko.

"Nice..." sabi niya. Tahimik siyang tumayo. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami papunta sa Picture City. Hindi siya umimik. Hindi rin niya tinanggal ang kamay ko. Parang napakaselan ng kamay niya. Pero napakainit. Or wait... Baka pisngi ko lang 'yun na kasalukuyang namumula. Bigla siyang natawa. Tiningnan ko siya.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Ikaw. Namumula ka eh."

"Sorry. Sarap kasi hawakan ng kamay mo e. It feels so right..." sabi ko. Of all the lines ever created by man, "it feels so right" pa ang napili ko. What the hell is wrong with me?

"That's mushy..." sabi niya. Pero nagsimula na rin siyang mamula.

Ilang minuto pa at natapos na rin ang aming studio pic. Isang oras daw bago namin pwedeng balikan. Hehe. All part of the plan.

"Saan na tayo Yomz? Boring na 'to ha..." sabi niya sabay ngiti.

"Netopia..." sabi ko.

"Huh? Baket?" sabi niya.

"Ragnarok. Alam mo 'yun?" tanong ko.

"Huh? Oo pero..." sabi niya pero ang ibig niya talagang sabihin ay "Ngek. Bakit tayo maglalaro ng Ragnarok e ang baduy-baduy nun? Hindi bagay sa isang katulad ko."

"Hindi ba usapan natin na ipapakita ko sa 'yo ang isang parte ng buhay ko. Kasama 'to. Trust me dear..." sabi ko. Napa-oo na lang siya. Nagpareserba ako ng dalawang magkatabing upuan at tinuruan ko siya ng basic controls. Tinaype ko ang ID at password na hinanda ko para sa kanya.

ID: Nicole
Password: 090608

Server: Fenrir

Lumabas ang character select screen at ang kanyang character: isang novice na may 9 INT, 9 VIT at 9 AGI. Tapos ayun. Nagsimula na siyang maglaro. Hinayaan ko muna siya habang nilaro ko ang aking 'SinX. Narinig ko ang pag-click ng mouse niya. Tiningnan ko siya. Aba, concentrated sa paglalaro. Natatawa na lang ako. Bumalik ako sa paglalaro ko. Ilang minuto pa, may naramdaman akong tumatapik sa braso ko. Binaba ko yung ear phones at tumingin kay Nicole. Excited na excited ang dating niya.

"Ang cuuutttteeee ng Poring!" sabi niya. And she actually giggled.

"Kailangan mo siyang patayin para maka-level-up ka..." sabi ko. Bigla siyang tumigil sa pagngiti at tiningnan ako ng napakasama.

"Ang cute-cute eh. Bakit ko papatayin?" sabi niya. Ngumiti ako.

"Teka lang, puntahan kita kung nasan ka..." sabi ko.

Nasa may labas siya ng Prontera. Nagdeal kaagad ako. Binigyan ko siya ng sari-saring gamit kasama ang 5m zennies, poring egg, incubator at apple juice.

"Anong gagawin ko dito Yomz?"

"Double click mo ang incubator, click mo yun egg tapos ok..." sabi ko.

"Wow! May poring! Hihihi. Cuuutttteeee!" sabi niya.

"Right click mo then check status. Puwede mong palitan ang pangalan niya..." sabi ko.

"Ohh..." sabi niya. "Ayan. Yomz na pangalan niya!"

"Gee, thanks..." I said sarcastically. Hinampas niya ang balikat ko.

Isang oras ang lumipas at na-dc na kami.

"Anong nangyari Yomz?" sabi niya sa akin na may halong disappointment sa mukha niya.

"Time na e. Don't worry. Malalaro mo pa rin yan."

"Oh ok."

"Tara, kunin na natin ang pic."

No comments:

Post a Comment