Saturday, December 11, 2010

Imposible Part 12

Remember, we all stumble, every one of us. That's why it's a comfort to go hand in hand. - Emily Kimbrough


Time: 1:00 pm

Cinema 3. Kingkong. Yes, yes. I'm a movie buff. Kaya dito ko siya dadalhin. Pero actually, napanood ko na 'to. Kaso sabi niya hindi pa daw niya napapanood kaya andito kami. So far so good... I think...

"Yomz?" tawag ni Nicole. May halong pagtataka sa kanyang mukha. Sa kanyang napakagandang mukha.

"Oh yeah. Sorry. Anyway, you want to get something from Taters?" tanong ko.

"Ano ba Yomz, pinapataba mo 'ata ako. Hehe..." sabi niya.

"Ngek. Haha. Baka. So ano nga, gusto mo?"

"Sure. Ikaw na pumili. I'll get na seats for us, ok?" sabi niya. Pumayag ako at pumila na sa may Taters.

Ok naman simula 'di ba? Walang hang-ups or whatever. Mukha namang masaya siya. Well, maliban na lang sa aking pagkalate pero I made up for it naman. At least I think I did. Ayun. Ako na pala.

"Isang Big-time na Taters Chips na cheese at dalawang large ice tea..." sabi ko.

"Sir, ok lang ba maghintay ng 5 minutes?" tanong nung clerk. Tiningnan ko ang relo ko. Mga 15 minutes pa bago magsimula ang movie. What the hell?

"Sure."

"That would be 139 pesos sir." Binigyan ko ng 150. Iniabot niya sukli. Naghintay ako 5 minutes bago ko nakuha. Napakasimple 'di ba? Sana ganun lang buhay no? Lord, isang trabaho bilang doctor at masayang pamilya to-go. That would be free. Salamat chief. Haha, Nangangarap ka na naman.

Pumasok na ako sa sinehan. Kung anu-ano ang iniisip ko habang hinahanap si Nicole. Ayun siya. 2nd row. Umupo ako sa seat malapit sa kanya.

"Sorry ha. Medyo natagalan kasi ako. Anyway..." sabi ko pero napatigil ako dahil sa isang boses na ngayon ko lang narinig sa buong buhay ko.

"Who the hell are you?" sabi ng katabi ko. Tiningnan ko siya. Ay, shet. Hindi ito si Nicole. Napatingin ako palayo. Ayun si Nicole. Nakatingin sa amin at tawa ng tawa.

"Sorry po. I thought you were someone I know..." sabi ko. Sabay tayo at alis papunta kay Nicole. Grabe, nakakahiya. Buti na lang madilim. Hindi gaanong nakikita ang pamumula ng aking mga pisngi.

"Strike 2 na yun Yomz..." sabi ni Nicole sa akin nung umupo.

"Hehe. Sorry..." sabi ko sabay abot ng ice tea sa kanya.

"Thanks..." sabi niya sabay ngiti. Grabe. Ganda.

"Ok. Tater Chips cheese kinuha ko. Ayos lang?"

"Oooohh. Favorite ko 'to. How did you know that?" tanong niya.

"I didn't. It's my favorite too..." sabi ko. Tumahimik siya at napatingin sa akin. Tumingin rin ako sa kanyang mga mata. Damn, I could get lost in the grandeur that are her eyes. Black pearls in a sea of white. Biglang nagsimula na ang movie at nawala ang aming "connection".

Tahimik lang kami habang nanonood. Parehong may kanya-kanyang iniisip. Parehong kuntento na sa katahimikan. Marahil sa ibang tao ang katahimikan ay tanda ng pagkawala ng kuminikasyon. Pero minsan, ito ang naghuhudyat ng totoong pagsasalita. Dahil walang ibang naririnig kung hindi ang salita ng puso at ng kaluluwa. Corny pero ito ang pinaniniwalaan ko.

After 3 hours, more or less, natapos na rin ang movie. Ayos naman. Looks like she enjoyed it. That's good.

"So, where to next?" sabi niya.

"Wait ka lang sa Starbucks. I'll get the car. We'll go somewhere in Katipunan."

"Layo ah. Samahan na lang kita sa car mo. Ayaw ko na pumunta sa Starbucks..." sabi niya. Sinamahan niya ako papunta sa may likod ng ATC para sa parking at sa aking kotse.

"Nice car..." sabi niya. Napangiti na lang ako. Siyempre. Maganda talaga Altis ko. Binihisan ko talaga 'to. Mga 50k na 'ata nagastos ko dito. May subwoofer pa 'to sa likod, DVD player and may mini Oxygen Bar. Now, that's a car.

Binuksan ko ang pinto para sa kanya like the gentleman that I am. Hehe. Pumunta na ako sa driver's seat at pinaandar ko na. Manual 'to dude, hindi 'matic. Ayaw ko ng 'matic kasi e. Para lang sa mga tamad 'yun. Besides kaya mo ba magshift mula sa primera papunta sa quinta? I don't think so.

"Ano gagawin natin sa Katipunan Yomz?" sabi ni Nicole.

"Actually, sa may Xavierville. Pupunta tayo Meatshop..." sabi ko.

"Never heard of it."

"Hehe. I know. It's a meatshop converted into a restaurant slash inuman place. It's actually nice. And it has the best barbecue..." sabi ko.

"Ngek. And then?" tanong niya.

"Then, we'll go to Eastwood. The Basement. The place where everything started..."

No comments:

Post a Comment