To watch us dance is to hear our hearts speak. - Hopi Indian Saying
Time: 3:00 am
Late na. Mag-isa na lang ako pauwi. Si Nicole? Ayun, nahatid ko na sa magara nilang bahay sa Ayala Alabang. Hindi naman kami pinagalitan. Siguro. Yung nanay niya kasi 'yung sumalubong sa amin. Natatandaan pa nya yata ako. Nakangiti sa akin at pinapatuloy pa ako sa bahay nila. Sabi ko, wag na. Masaya na ako sa nangyari. Masaya na ako sa katapusan ng gabing ito.
Teka, teka. Hindi niyo nga pala alam kung anong nangyari sa amin, 'no? Flashback mode tayo mga repapips.
Time: 7:00 pm
Kumain kami ng hapunan ng mga alas-siyete ng gabi sa Meatshop. Quick explanation: Ang Meatshop ay isang meatshop na ginawang inuman. Madalas tumambay dito ang mga Atenistang nagdo-dorm o nagco-condo na walang pera papuntang Eastwood. Mura kasi. End.
Anyway, dun kami kumain. Naghati kami sa apat na barbecue at dalawang kanin. Sulit na 'yun. At ang drinks? Lights. Enjoy na enjoy sa pagkain itong si Nicole. Masayang-masaya talaga siya kasi sobrang sarap daw. Napangiti na naman ako. Iba rin talaga kapag alam mong napapaligaya mo ang isang tao.
"Yomz?" sabi ni Nicole sa gitna ng pagsubo.
"Yeah?" sagot ko.
"Ang sarap..." sabi niya sabay ngiti. May sauce pa sa bibig niya. Natawa tuloy ako. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng kanyang bibig. Corny 'no? Pero anong magagawa ko? Lakas tama kasi. Tiningnan nya 'kong mabuti habang ginagawa ko 'yun. Hindi ko ininda ang mga tingin niya at nagpatuloy sa aking ginagawa.
"Thanks..." sabi nya ng pabulong bago nagsimula muli sa pagkain. At ako naman? Kakatapos lang. Umiinom na lang ng beer habang pinapanood siyang kumain. Napansin ko lang na halos lahat ng kilala kong babae has this cute way of eating. Yung medyo dahan-dahan lang na parang walang pakialam sa oras at sa mundo. Yung tipong parang sinasabi nung babae na "Nothing will come between me and my food!" Kakaiba rin. Para sa babae, parang artform ang pagkain. E samantalang ang mga lalake, kain lang ng kain. Lamon kung lamon. May table manners nga pero walang finesse sa pagkain. Gets nyo ba sinasabi ko?
After a few minutes, natapos na rin syang kumain. Kinuha ko na yung chit at binayaran. Hinintay ko muna siyang maka-recover sa pagkain. Syempre, compose ka muna dapat bago ka tumayo. Ganun naman talaga.
"Yomz, I'm ready na. Shall we get going?" sabi ni Nicole.
"Sure. Let's go..." sabi ko.
Time: 9:00 pm
Eastwood. The Basement. Remember this place? Dito nagsimula ang lahat a few weeks ago. It's a wonder that one seemingly insignificant event could change the way you look at life forever. Kakaiba.
Nakaupo muna kami sa may bar at umiinom. Medyo maaga yata kami dumating. Oo, maaga pa sa lugar na ito ang alas-nueve ng gabi. Nagsisidatingan pa lang ang mga tao ng ganitong oras. Medyo sikat rin ito dahil sa mga kakaibang nangyayari sa lugar na ito. Sa sobrang pagkakaiba, kailangan mong magpakita ng ID na may araw ng kapanganakan mo. O 'di ba, astig?
Tinitingnan ko ang mga dumadaan. Isa ito sa mga gusto kong gawin kung maraming tao. Ang panoorin sila kung anu-ano ang mga ginagawa nila. Meron dito, pansin agad na ang tanging hangarin lang ay makakuha ng kapiling ngayong gabi. Meron naman, just for fun lang daw. Meron naman dito, all for the glory of the dance. At meron namang halatang unang pagkakataon na makapasok sa lugar na ito. Sila yung tipong hindi alam kung anong gagawin at kung saan pupuwesto. Maraming tao, maraming rason kung bakit nandito... pero isa lang ang gusto kong itanong. Where are you going?
"Yomz. Naku... nag-blank out ka na naman. Strike 3 na ba?" sabi ng anghel na katabi ko. Isang anghel na may hawak na red horse.
"Hehe. Wag naman sana. Hindi pa nagsisimula, out na ako..." sabi ko na pabiro. Tiningnan niya ako ng mabuti at ngumiti.
"We'll see..." sabi niya sabay inom ng beer.
Malapit-lapit na ang alas-diyes at nagsisimula nang uminit. And I'm not talking about the temperature. Hinawakan ko ang kamay niya at yumuko ng kaunti.
"Want to dance?" sabi ko sabay halik sa kamay niya.
"Naks. The moves. Haha. Sure, lead me away..." sabi niya.
Dinala ko siya sa may dance floor. Sa may gitna para makita kami ng lahat. Para magtaka ang mga tao. Sino kaya itong ordinaryong nilalang na may kasamang anghel? Ano kaya ang ginawa niya upang makasama ang isang babaeng katulad niya? Sa totoo lang, ako rin nagtataka. Ako rin napapaisip sa mga nangyayari.
Unti-unti kaming gumalaw sa musika. Ang musika. Marahil ay mahirap maintindihan ang nadarama ko ngayon. If it could be summed up in one word: rapture. May kakaibang kaligayahan ka na nadarama. Natatakpan nito ang buong pagkatao mo. Ang lahat ng kalungkutan, ang lahat ng problema, ang lahat ng sakit na nararamdaman, lahat nawawala. Ang tanging natitira na lamang ay ang sobrang lakas na kaligayahan. Rapture...
This rapture, multiply it by a thousand times because of the presence of someone whom you have this unexplained connection with and it just blows you away. Naniniwala ako na ang kaluluwa ng bawat tao ay pwedeng kumonekta sa isa pang kaluluwa upang gumawa ng isang koneksyon na walang katulad, na wala nang hihigit pa. Soulmates ba kamo? Naku. Hindi. Walang kinalaman ang kapalaran dito. Wala. No. Destiny has nothing to do with it. This is free will at its best. Something that you chose to happen. Pwede nating sabihin na ito ang pinakamataas na porma ng pagpili. Ang pumili ka na magkaroon ng ugnayan na tapat at dalisay. Walang sinabi ang kapalaran sa pag-ibig na pinili mong mangyari. Walang-wala.
Segundo. Minuto. Oras ang lumipas pero hindi ko nararamdaman. Nawala ang pagkamuwang ko sa oras. Isa lang ang kinikilala kong may kapangyarihan sa mundo ko. Si Nicole. Ang babae na maaari kong ibigay ang lahat-lahat. Siya lang.
May kakaibang nangyayari. At tila ngayon ko lang napansin. Nakayakap siya sa akin, ang mga kamay niya nakapalibot sa may ulo ko at nakapatong sa aking mga balikat. At... nakayakap rin ako, ang aking mga kamay pinapalibutan ang kanyang bewang. Grabe. Iba na 'to. Wala na yatang gaganda sa gabing ito... sa babaeng kasama ko.
Mabilis ang musika sa Basement pero mabagal ang pagsayaw namin. 'Yung tipong sayaw na ginagawa mo kung slow song lang. Ang trust me. There is no such thing as a slow song in this place. Pero bakit ganito kami sumayaw? Bakit tila hindi namin sinusunduan ang mabilis na ritmo ng musika.
Namulat ako sa katotohanan. Hindi kami sumasabay sa musika dahil meron kaming sariling musika na kami lang talaga ang nakakarinig. Ang musika namin. Ito ang kinalabasan ng koneksyon namin. Isang sayaw na naghahatid ng kung anu-anong emosyon. Ang isang sayaw na hindi kailangan ng ritmo o ng musika. Ang tanging kailangan lang ay kaming dalawa.
Bumulong ako sa kanya at sinabi ang gusto kong sabihin mula pa noong nagkakilala kami. Alam ko, gasgas na. Pero wala pa ring makakatalo sa katagang ito:
"Mahal kita Nicole..."
Tahimik lang siya. Walang sinasabi. Sumusunod lang sa ritmo na tanging kami lang ang nakakarinig. Tama na ito para sa akin. Tama na ang malaman ko na ganito ang nadadama ko ngayong nagsasayaw kami. Maganda na ang gabing ito sa ganitong kalagayan.
Hinalikan niya ako sa pisngi at sinabi niya ng pabulong:
"Shh... You talk too much..." At nagpatuloy kaming sumayaw sa sarili naming musika.
So, there you have it. May kailangan pa ba ako sabihin sa puntong ito?

No comments:
Post a Comment