Saturday, December 11, 2010

Imposible Part 15

Life is a series of experiences, each of which makes us bigger, even though it is hard to realize this. For the world was built to develop character, and we must learn that the setbacks and grieves which we endure help us in our marching onward. - Henry Ford


Alam mo ba 'yung pakiramdam na hindi ka bagay sa mundong ginagalawan mo? Na parang ang lahat ay napakabilis gumalaw at ikaw naman ay napakabagal? 'Yung pakiramdam na pinagmamasdan mo silang lahat pero parang wala silang pakialam sa 'yo? Weird isn't it? 'Yan ang nararamdaman ko ngayon.

Oo nga pala. Let me bring you up-to-date. Sabado na po. At 'andito na naman ako, kasama si Nicole. Ito ang aking munting paglalakbay sa mundo niya. Ang pagsilip sa mundo ng isang model. Magandang pakinggan pero I guess, it's not all that it's cut up to be. Medyo kabado ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng gabing ito. Si Nicole lang 'ata ang may alam kung ano na ang mangyayari ngayon. Nasa kamay na niya ang lahat. At ako? Ako ang isang taong nangangarap.

"Yomz?" sabi ng isang babae. Assistant 'ata, hindi lang ako sigurado. First time ko sa isang ganito e.

"Yes. That's me..." sagot ko.

"We're getting ready to shoot..." sabi niya. Um-oo na lang ako.

Langya. Hindi ko pa rin alam kung paano nangyari at napasama ako sa pag-shoot ng isang commercial. Himala. Haha. Hindi naman 'ata bagay sa akin ang ganito. Si Nicole kasi e. Dinala ako dito at pinag-audition. Biglang bumilis ang mga pangyayari at napadpad ako... dito.

Mga ilang oras na rin kaming 'andito sa studio pero 'di pa rin matapus-tapos ang isang komersyal na ilang segundo lang ay tapos na sa TV. Siguro ay hindi lang ako sanay. Palibhasa, sanay akong chillax lang, nanonood at hindi pinapanood. It feels so damn weird.

Si Nicole naman, tahimik lang. Medyo seryoso. Nakikita ang dedikasyon sa kanyang mukha. Maganda as usual. Pero 'yung bakas ng konsentrasyon sa mukha niya ay nagbibigay ng panibagong ilaw sa pagkatao niya. And it makes her so very irresistible. I always had this thing for women who know how to take things seriously. Parang may sense of responsibility sila. Hindi ko alam kung bakit. Maybe it's just a sign na if they take some things seriously, what more with something as a relationship? 'Ala lang. Don't mind me. Just thinking out loud.

After an hour, natapos na rin. Yey, yey. Ano na kaya ang susunod naming gagawin?

'Eto ako, naghihintay sa labas ng dressing room. Hinihintay si Nicole. Bakit kaya ang mga babae matagal magbihis, 'no? Kakaiba rin e. Paghihintayin ka ng ilang minuto, minsan nga oras, habang sila ay nasa kwarto. Lipstick, make-up, blush on, eyeliner, face powder at kung anu-ano pa. Sa totoo lang, mas importante sa guy ang oras. And when a guy asks a girl out for a date... most of the time the guy likes the girl. So whatever she's wearing, the guy doesn't really care. He already likes you for who you are. So, sana 'wag na silang magtagal dahil gusto na namin silang makasama. Happy na kami na kasama lang namin sila. 'Yun lang 'yun.

At ito pa ang masasabi ko: ang tunay na kagandahan ay makikita kahit na gaano kasabog ang itsura ng babae. Walang stir pare. Halata pa rin ang kagandahan kahit sabog na sabog ang dating. Naaalala ko nga yung sinabi ng high school teacher ko: "Kung gusto mo talagang malaman kung maganda talaga ang isang babae, tingnan mo sila nang bagong gising. 'Yung magulo pa ang buhok, medyo inaantok-antok pa. Kung maganda sila nang bagong gising, maganda talaga sila." I think my teacher was right. It's always nice to see something more beautiful than the sunrise when you wake up in the morning. AMEN.

So sana. SANA lang. Huwag na kaming paghintayin. Kahit na alam naman nila na maghihintay kami hanggang manigas kami para makasama lang sila.

"Yomz. Sorry to have kept you waiting..." sabi ni Nicole. Tiningnan ko siya at magsasalita na sana kaso hindi ako nakaimik.

Scratch everything I said. The waiting is worth the wait if something or someone as angelic as her shows up. Maghintay na lang tayo guys. Hwag na tayong umangal. Grabe. Kinain ko 'ata lahat ng sinabi ko.

"Yomz... I know I'm pretty and nice to look at but if we could just go now..." sabi ni Nicole na nakangiti.

"Ha... eh. Huh?" Wow. Tongue-tied. Tsk tsk.

"Yomz!" sabi ni Nicole habang nakapamewang.

"Sorry na. Hehe. So where are we going?" tanong ko.

"How would you like to be a ramp model?" tanong ni Nicole.

"Ramp model? Nooooo. No way..." sabi ko. Ramp model? Seriously?

"Dali na. Kinausap ko na yung designer para makasama ka. Please? For me?" sabi ni Nicole na medyo may paawa effect ng kaunti. Ano pa nga ba ang magagawa ng isang lalake kung ganyan ang tingin ng isang babae sa kanya. Hay...

"Sure. Sure." Wala talaga kaming laban. Ngumiti siya at sumama na lang ako sa kanya.

-----

Hay salamat. Natapos na rin ang section kung saan ako lalabas. Medyo hindi yata maganda ang performance ko, 'sama kasi ng tingin sa akin noong coordinator. Pero at least, she let me keep the clothes. 'Ganda pa naman. Comfortable flesh colored slacks, a black turtleneck shirt, beautiful brown shoes from Rockport and a white dinner jacket. Not bad for somebody who's used to a more casual type of clothing (read: rubber shoes, jeans, t-shirt).

Pinapanood ko na ngayon yung women's ramp show. Dami magaganda. Pero only one stands out. Si Nicole. Naka red halter dress siya. Modest cut naman. Parang prom dress na pinaganda at ginawang napakaganda. At napakamahal. Diamond-studded lining. Wow. As in WOW. Ang ganda niya.

And there's this quiet confidence around her which brings about her inner beauty. This is a girl that knows what she's about. She's confident about how she looks. And she knows that everybody knows that. It's not arrogance, it's acceptance of a fact. She's a natural and this is her... world.

Kaya ko kayang makibagay sa ganyang klaseng mundo? Parang mahirap 'ata. Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili pero habang tinitingnan ko siya, parang nanliliit ako. Intimidated? Maybe. Pero kakaiba itong mundong ito. The life of the luxurious and refined. Pero kung magiging parte ako ng buhay niya, kailangan ko ring makibagay sa mga ganito.

Ang tanong, pipiliin nya kaya ako?

Matapos ang ilang oras, lumapit siya sa akin. At teka, may silver crown pala siya na may disensyong mga rosas. Now, she looks even more beautiful... more unreachable.

"You like it?" tanong niya. Ngumiti ako.

"You look absolutely wonderful..." sabi ko. Medyo namula ang mga pisngi niya.

"Come. Let's join the after show party..." sabi niya sabay hawak sa braso ko.

"Sure." At naglakad ako upang silipin naman ang isa pang bahagi ng buhay niya...

No comments:

Post a Comment