You are never given a dream without also being given the power to make it true. You may have to work for it, however. - Richard Bach
Ok. So I'm in a building somewhere in Makati. At least I think I am. Suot ko ang isang magarang kasuotan na sa kahit sa pangarap ko ay hindi ko pa nasusuot. Big time na big time ang dating. Isipin mo, isang taong tulad ko, napaka-refined ng suot. Tsk tsk. Iba na 'to. Nakaupo ako sa isang pabilog na lamesa kasama si Nicole at iba pang tao. Pinakilala sila sa akin ni Nicole kanina kaso nakalimutan ko na ang mga pangalan nila. Mahina talaga ako pagdating sa mga pangalan. Pero pare-pareho lang sila: mayaman at sopistikado. Wala akong laban dito.
Biglang may kakaibang musika akong narinig. Lumingon ako at nagulat. May mini-orchestra pala sa dinner na 'to. Magarang-magara talaga 'tong napuntahan ko. Tumingin ako sa lamesa at nagulat ako. Lintek, ang daming kutsilyo, kutsara at tinidor. Apat na tinidor sa kaliwa, apat na kutsilyo at isang kutsara sa kanan at may isang maliit na kutsara sa taas ng plato. Sa may kanan naman ng plato ay isang maliit na platito na may tinapay at butter. Wow. Ang dami. Hindi ko alam ang mga ito. Tiningnan ko si Nicole.
"Nicole?" sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Yes?" sabi niya.
"Please help me..." sabi ko na may halong pagmamakaawa sa boses ko. Tiningnan nya ako ng may halong pagtataka. Itinuro ko ang mga kutsilyo at tinidor.
"Ah ok..." sabi niya. Sabay turo sa mga kasangkapan sa harap ko. "'Yung butter knife para sa tinapay at butter. 'Yung appetizer fork para sa salad. 'Yung soup spoon para sa soup, obviously. 'Yung natitira ay para sa entrée at main dish. At 'yung kutsara sa taas ay para sa dessert. Got it?"
"Uh... no..." sabi ko sabay kamot sa ulo. Nagbuntong-hininga siya na parang nanay na tinuturuan ang anak niya.
"Sorry ha. Hindi kasi ako sanay e..." sabi ko.
"That's ok..." sabi niya na parang wala lang. "Ok. Basically, there are five main courses: light appetizer, main appetizer, entrée, main course and dessert. Each has a different set of utensils. You have to work your way in. From the outside to the inside. For the light appetizer, use the knife on the far right. For the main appetizer, use the fork on the far left. For the soup, use the only spoon on the right. For the entrée and main course, use the remaining utensils. And for the dessert, use the spoon on top." Tiningnan niya ako.
"Ahh... Ok. Gets. Thank you..." sabi ko kahit hindi ko talaga alam.
"Your welcome..." sabi niya sabay ngiti sa akin na parang bata ako na gumawa ng good deed.
At nagsimula nang kumain. Needless to say, lagi akong sablay. Biruin mo, muntik kong magamit ang butter knife para sa soup. Bad trip. Buti na lang ginabayan ako ni Nicole sa aking paghihirap. Hindi ko alam na ganito pala kakomplikadong kumain. Langya, minsan nga masaya na ako na kinakamay ang pagkain. Tapos dinala ako sa ganito. Siguro naman may dahilan kung bakit napakasabog ko. Pero, si Nicole talaga sobrang bait. Pinipigilan niyang tumawa kahit halatang tawang-tawa na siya. Tinulungan nya pa ako kung ano ang dapat kong gamitin. Bait talaga ng babaeng ito.
"Excuse me, I'll go to the comfort room..." sabi niya sa akin. Tumayo siya ng dahan-dahan at naglakad palayo.
Habang mag-isa lang ako, napapaisip lang ako sa mga nangyari sa akin nitong ilang linggo. It has to be, probably, the best weeks of my life. For the first time for so long, it feels so much nicer to get up in the morning. Each new day feels like an adventure. Granted, it has its ups and downs like founding out that she had this boyfriend but it just feels so good to be me. This has been a fairytale. Now, I'm waiting for the fairytale ending.
"Excuse me sir. May ipinapabigay na sulat ang kasama nyo po..." sabi ng waiter sabay bigay sa akin ng isang pirasong papel. Nagpasalamat ako. Nagtataka ako. Bakit? Ano 'to? Binuklat ko kaagad.
There's a staircase near the comfort room.
Go up to the rooftop. I'll be waiting...
- Nicole
Tiniklop ko ang papel at ibinulsa. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa hagdanan na sinasabi ni Nicole. So ito na. Ilang minuto na lang at malalaman ko na kung ano ang mangyayari sa akin... sa amin. Siguro tinatanong nyo kung kinakabahan ako. Sino bang hindi sa ganitong klaseng sitwasyon?
Umakyat ako at 'andun si Nicole sa may veranda. Nakatalikod sa akin, nakatingin sa malayo. Lumapit ako at tumabi sa kanya. Ang ganda ng tanawin. Sobrang ganda. Hindi ako magsasawa na tingnan si Nicole.
"'Ganda ng Metro Manila tuwing gabi 'no? Ang daming ilaw. Ang daming patterns na nabubuo. I wonder if anyone can see me from here..." sabi ni Nicole ng taimtim.
"If somebody looked at you this high up, they would probably see a star..." ang sabi ko. Ngek. Ano na naman ang nasabi ko. Damn pickup line...
Napatawa si Nicole.
"Flattery... but what do those words mean Yomz?" sabi niya.
"I don't know, really. It just sort of comes out when I'm with you. Everytime I see you, everytime I look at you, I see either an angel or a star clothed in human flesh..." sabi ko.
"That's so nice to hear..." sabi niya. Hinintay ko siyang magsalita pero tahimik lang siya. Tinitingnan niya ang mga kotse sa ibaba. Then she hummed. Something very familiar. Nakinig pa akong mabuti. At ngayon ko lang napansin na sinasabayan niya ang mini-orchestra sa baba.
"What are you humming? And why is it so familiar?" tanong ko sa kanya.
"You've heard it in a movie. As for the movie, you figure it out. Anyway, it's Canon in D major. It's one of my favorite classical pieces by Pachelbel..." sagot niya.
"Pache... who?" tanong ko ulit.
"Pachelbel. Johann Pachelbel. Isa siya sa pinakasikat na German organist-composer bago pa man dumating si Bach..." sabi niya. Tapos ay bumalik siya sa kanyang pag-hu-hum. Nakinig lang ako. Hindi ko alam na maganda pala ang mga classical pieces. Ma-dl nga. Pero san patungo ang pag-uusap na ito?
"Nicole. Listen. Hindi ko man alam kung sino si Pachelbel o si Bach pero ikaw kilala ko. You are a truly amazing lady. You're beautiful, smart and sophisticated. As for me, I'm not that handsome. Nor am I that smart. Nor am I sophisticated. I am just who I am. And I don't know who I am where I am now. In a rooftop with a girl... no, a lady who I thought was an impossible dream. And maybe I tried to reach more than I should but if you get to be mine, then it was well worth the effort..." sabi ko.
"You always had this gift for words Yomz. But underneath all those words, what are you really trying to say?" sabi ni Nicole.
"I simply meant that I'm in love with you and I would love to spend every moment in my life with you."
Tiningnan niya akong mabuti. May mga luha ang mga mata niya. Pinipigilan niyang ilabas ito pero matinding emosyon ang bumabalot sa kanya. Ngumiti siya. Isang napakalungkot na ngiti.
"That's a nice dream..." ang sabi niya sa akin. Dream? Ouch.
"But we could make it a reality. It's our choice..." sabi ko.
"Yes. I know. But I won't make that choice. I'm sorry Yomz..." sabi niya sa akin. Natulala ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung ano ang dapat kong gawin. Tila gumuho ang lahat ng mga pangarap ko. At ang realidad ko.
"Why? I..." sisimulan ko na sana pero inunahan niya ako.
"Because it IS my choice. To tell you the truth, I haven't even decided on what I would say to you after this night is over. But something in what you said a while ago made the decision for me. Ikaw mismo ang nagbigay ng dahilan kung bakit hindi dapat maging tayo..." sabi niya.
"Ha? Anong sinabi ko Nicole?" sabi ko na may pagkadesperado ang boses.
"Just the way you described me. You had so much hopes and dreams. And it's all pinned around me. Isa ako sa mga bituin na nais mong abutin. Isang angel na tinangka mong kunin mula sa langit. Ang imposibleng pangarap na sinubukan mong gawing katotohanan. Nagkakamali ka. Hindi ako imposibleng maabot. Hindi ako isang bituin at lalung-lalong hindi ako isang anghel. Tao rin ako. May mga pagkakamali. Pero parang ginawa mo akong perpekto. Isang malinis na diyosa ng iyong mga panaginip. Hindi ko kayang tapatan ang babaeng pinapangarap mo..." sabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko na nanlalamig. She gave it a gentle squeeze and smiled at me. Tumutulo na ang mga luha ko.
"Madami ka pang hindi alam sa akin Yomz. May mga sikreto pa akong tinatago. At natatakot ako na malaman mo ang mga iyon. Inaamin ko. Everytime I'm with you, life is an adventure. There is no dull moment with you. Life is crazy and beautiful when we're together. But I don't see a future with you. With Paolo, I can see a future. A few more years and I might not be your perfect angel anymore but with him, it doesn't matter. He will still be with me through the end even if I am old and wrinkled. That's what made me love him in the first place."
"But I can't live without you..." sabi ko.
"That's bullshit. We both know it. You do not simply choose to love someone because you can't live without that person. You can live without that person only you chose not to. That's love. It is a choice above all else. And think it over logically. You and Andrea are of the same age. So that makes you what? Around 19 or 20? And Paolo, my boyfriend, is Andrea's big brother and I'm his girlfriend. Andrea calls me ate. Do the math. By being with me, you'll make tremendous sacrifices. You want to be a doctor but what if I ask you to settle down? You'll give up your dream. I don't want that. I would like you to be free to explore every possibility."
"Mabubuhay ka na wala ako Yomz. Marami ka pang pagdadaanan. Marami pang mangyayari sa buhay mo. I have high hopes for you. You have a future... but I'm not part of it..." sabi niya. Medyo natahimik 'ata ako. It takes time to digest all of her words. Lalong tumulo ang mga luha ko habang tumatagal dahil alam kong tama ang lahat ng sinabi niya.
"Good bye Yomz. Thanks for all the wonderful memories. I'll miss you, especially the way we dance..." sabi niyang nakangiti. Lumapit siya at niyakap ako na may kasamang halik sa pisngi. Tumalikod na lang siya at dahan-dahang naglakad palayo.
"Nicole... wait."
Lumingon siya nang nakangiti. Kahit napakalungkot ng mga pangyayari, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa pagngiti. Napakaganda niya.
"I know this will sound a little cliché-ish. It probably is. But will I ever see you again?" tanong ko.
"Tumingin ka lang sa langit Yomz..." sabi niya.
Natapos na ang Canon in D major. Nawala na rin si Nicole. At katahimikan na lang ang natira.

No comments:
Post a Comment