Friday, December 3, 2010

Imposible Part 5

Our lives improve only when we take chances and the first and most difficult risk we can take is to be honest with ourselves. - Walter Anderson


Ilang araw na rin ang nakalipas noong nangyari ang tinagurian kong "The Nicole Moment". Napapangiti pa rin ako tuwing naalala ko ang mga nangyari. Parang napaka-imposible ng mga pangyayari. Minsan talaga may mga bagay na hindi mo talaga alam kung paano nangyari. Sabagay, kung alam mo na ang mangyayari sa buhay mo, baduy na.

Hay... papasok na naman ako. Pero tulad ng dati, late na naman ako. Lagi naman akong late. At ang maganda pa doon, hindi ako nagmamadali. Bakit ka pa magmamadali, eh late ka na nga, 'di ba? Kaya ako, chillax ako na naglalakad papunta sa klase samantalang ang mga tao sa tabi ko ay nagkakahandalupas sa pagtakbo. Nakakatawa nga sila panoorin. Teka nga, san nga ba klase ko? Ah, sa SEC A, second floor. Sa mga hindi nakakaalam, ang SEC ay ang Science Education Complex ng Ateneo. Malapit siya sa may canteen. Ito ang isa sa pinakabagong gusali sa eskwelahan ko.

Palapit na ako sa klase ko noong may naramdaman akong tumapik sa balikat ko. Hinarap ko ang tumapik sa akin. Oh. Siya pala.

"Wassup Drea?" bati ko. Si Drea ang ex ko. Isang buwan na mula nung nahuli ko siyang nakikipaghalikan... sa bestfriend ko. Badtrip no?

"Wala lang. Just wanted to say hi..." sabi niya habang nakangiti. Talaga lang ha? Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, babatiin niya ako ng basta-basta lang. Anong klaseng katarantaduhan ito?

"Sure. Hi..." sagot ko. Dali-dalian akong tumalikod at pumasok na sa klase ko. Hinayaan ko na lang siya doon. Bakit pa ako mag-aabala?

Molecular Biology. Baduy 'tong klaseng 'to. Kaso wala akong magagawa, kailangan ko 'to e. Kinuha ko ang filler notebook ko at nakinig na sa mga pinagsasabi ng prof. Ayos. Isang oras at kalahati pa ako mananatili dito. Hindi ba't kapag naiinip ka nagkakaroon ng time distortion na hindi mo maintindihan? Na tila bumabagal ang oras ng todo-todo at ang isang oras ay parang nagiging isang araw? Ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Mga ilang minuto pa ay binaba ko na ang ballpen ko at tumingin na lang sa labas. Napanganga ako. Si Nicole nasa labas. Kumaway siya at ngumiti. Namamalik-mata ata ako. Pinikit ko ang mga mata ko at umiling. Binuksan ko ulit. Nandoon pa rin siya. Hala, totoo nga ito. Tumayo ako at lumabas ng klase. Ganyan talaga sa college, hindi mo na kailangang magpaalam para lumabas.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko nung malapit na ako. Sumimangot siya at nakapamewang.

"Ano ba yan? Wala man lang hi or something. Tanong kaagad..." sabi niya. Napakamot lang ako ng ulo. Natawa siya.

"Err... Hi..." sabi ko.

"Yan. That's better..." sabi niya sabay ngiti. Langya. Ang simple lang ng suot niya pero umaapaw pa rin ang kagandahan. White na blouse at maong na skirt. Wala siyang suot na make-up.

"So. Wassup?" sabi ko.

"Nothing much. May ginagawa ka ba?" tanong niya. Napangiti ako.

"Hindi mo ata napapansin na may klase ako..." sabi ko ng pabiro.

"Ano bang klase yan?" tanong niya.

"Molecular Bio."

"Ngek. Baduy naman. Tara, labas na lang tayo. May car ka ba?" sabi niya.

"Ha? Nasa may condo eh. Hindi ko na dinala, malapit lang naman kasi." Bigla akong napaisip, "Teka, ano sabi mo, labas tayo? Kaya ka ba nandito para yayain ako?"

"Ngek. Ano akala mo sa sarili mo? Sikat? Hindi ah. I was just in the area and I thought I could drop by on my sis who studies here also. It just so happened that I saw you kanina and I decided to say hi..." sabi niya. Aba. Taray mo ah.

"Yeah. Whatever. So, where are we going anyways?" tanong ko.

"Gateway? I haven't been there yet."

"Oh. I'm sorry but as you can see I still have class..." Itutuloy ko sana pero nilagay niya ang kanyang daliri sa mga labi ko. Errr... Sana hindi niya nahahalata ang simula ng pamumula ko.

"Wag ka na madada. 'Lam ko naman na tinatamad ka na eh. Tsaka, just borrow the notes of one of your friends. Why don't you just come with me?" sabi niya. Tinitigan ko siya ng mabuti.

"Give me a good reason why I should go with you." Whoa. Napakapormal naman noon. Nagalit ata.

"Hmpf. Kung ayaw mo, e di wag!" sabi niya sabay tumalikod at naglakad palayo. Hindi ko alam kung ano nangyari pero nakita ko na lang ang sarili ko na pumasok sa klase, kinuha ang bag at hinabol si Nicole. Hinawakan ko siya sa kanyang kamay.

"Wait... So, is your invitation still open?" sabi ko. Tumingin siya sa akin.

"Now, what made you change your mind?" sabi niya.

"I dunno... For some reason, I simply can't stand the fact that you're mad at me." And that's the truth. I can't simply let her walk out of my life knowing that there's bad blood between us. Kakaiba. I mean, I barely know her.

"Oh. Pero lilibre mo ako ha?" sabi niya habang nakangiti.

"Fine." Bwiset naman oh. Butas na naman wallet ko nito...

No comments:

Post a Comment