"So, ano nga? Date ba 'to?" tanong ko sa kanya.
Kumakain na kami dito sa Italliani's. Nanood kami ng sine kanina. Medyo may pagka-awkward nga ang dating sa totoo lang. Hindi ko naman pwedeng akbayan kasi wala naman akong karapatan. Ni hindi ko nga alam kung bakit sumama ako e. Trip lang? Hay. Ewan ko pero parang mayroong mas malalim na rason. Nakaka-agaw atensyon pa siya. Tingin ako ng tingin sa kanya. Ang cute-cute niya habang nanonood. Tapos sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko tuwing tumatawa siya. Ewan ko ba. Isang beses nga, napansin niya akong nakatingin sa kanya. Nginitian lang niya ako sabay balik sa panonood. Sobrang ganda niya. Grabe. Anyway, balik tayo sa tanong ko.
Napaisip siya ng kaunti. Tiningnan niya ako ng maigi. Seryoso ang mukha niya.
"Ikaw, ano sa tingin mo?" Huh? Napakamot ako ng ulo at tumawa siya.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko.
"Ha? Wala lang. Kasi nakakatuwa ka tingnan. Kakaiba yung facial expression mo..." sabi niya. Hinawakan niya ang tinidor at kumuha ng kaunting Ravioli.
"So, bakit nga?" sabi ko, sabay subo ng kinakain ko.
"Bakit ba gusto mong malaman?" tahimik niyang sinabi.
"Wala lang. Call it curiosity..." sagot ko.
"Ahh... Yun lang?" sabi niya.
"I guess..." sagot ko.
"Hmm... Let me put it this way. I have a boyfriend and I love him. I would not want to betray him." Oh. So, hindi nga date. Haha. Nangangarap na naman ako. Pero... hindi niya sinagot ng diretso... Does that count for something?
"Oh, ok. I understand..." sabi ko.
"Do you really?" sabi niya ng pabulong. Shet. Totoo ba yung narinig ko?
"Huh? What?" sabi ko. Natulala siya sabay umiling.
"It's nothing. I didn't say anything. Anyway..."
Uy. Change topic. Nice strategy. Madalas ko ring gamitin yan. Pero ayos lang. Mas mabuti na siguro na huwag na niyang sagutin. Astig 'tong babaeng 'to. Kakaiba ang kinikwento. Masaya pala kausap kahit hindi lasing. Or better yet. Mas masaya siya kausap ngayon.
Ilang minuto pa at natapos rin kaming kumain. Pero ayos lang, tuloy pa rin ang kuwentuhan. Hindi lang pala maganda si Nicole, may utak rin. A good conversationalist. Ilang oras ang lumipas, napatingin sa relo si Nicole.
"Oh. I have to go home na. My mom would not like it if I go home late again. Besides, I have this modeling gig at Makati tomorrow..." sabi niya. I just nodded and got the bill. Binigay sa akin at tiningnan ko. Hay, sabi na nga ba mahal e. 1,500. Kinuha ko ang credit card ko at 'yun ang pinambayad ko.
"So, will I take you home?" tanong niya.
"Saan ka ba uuwi?" sagot ko.
"Somewhere in Makati."
"Ah. No thanks. Commute na lang ako..." sabi ko. Nakakahiya naman. Mapapalayo pa siya.
"Oh. ok."
"Tara?" sabi ko. Pumayag siya.
Hinatid ko siya sa may kotse niya. Tumigil kami sa harap. Tiningnan niya ako.
"So, I guess this is goodbye?" sabi ko.
"Yeah. I guess it is."
"Will I ever see you again?" tanong ko.
"I don't really know. Let's just leave it up to fate..." sabi niya ng taimtim.
"How about we exchange numbers?"
Ngumiti siya. Pero malungkot yung ngiti niya.
"I don't think that would be appropriate I..."
Hindi ko siya pinatapos. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin at hinalikan ko siya. Pero, God. This feels so good. Una, wala siyang ginawa. Pero unti-unti, gumalaw siya. Nilagay niya ang mga kamay niya sa leeg ko at lumapit siya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa may likod niya at niyakap ko siya. Hinila ko siya palapit sa akin. Ibinalik niya ang halik ko. Lasa siyang toothpaste. Grabe, feeling ko pagkatapos nito, kakaririn ko na ang pag-toothbrush.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dalawang beses pa lang kami nagkikita pero parang sobrang nahulog na ang loob ko. Akala ko sa pantasya lang nangyayari ang mga ganito. Sana hindi na matapos ito. Sana ganito na lang ang buhay ko. Perpekto na ang sandaling ito. Wala nang gulo. Wala na ang kalungkutan. Wala nang imposible...
Pero, katulad ng inaasahan ko. Bumitaw rin siya. Tiningnan niya ako ng mabuti. Hinawakan niya ang pisngi ko. Dahan-dahang tumulo ang mga luha niya. Bawat patak nadarama ko. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya. Binaba ko ang ulo ko at tiningnan kung saan bumagsak ang mga luha na galing sa anghel ko.
"I... I'm sorry. I have to go now..." sabi niya. Sabay layo sa akin. Pumasok siya sa kotse at umalis. Matagal akong nakatitig doon bago ako tumalikod at lumayo. Nilapit ko ang isang kamay ko sa mata ko upang pigilan ang pagbagsak ng mga luha...

No comments:
Post a Comment