"Sino ba ako para pumasok sa buhay niya ng basta-basta?" sabi ko sa mga bituin. Oo nga. Ano ba ang karapatan ko para guluhin ang buhay niya? Kinuha ko ang isang stick ng West Ice sa bulsa ko at sinindihan ito.
Ilang gabi na rin akong ganito simula nung... Yun. Nasa may veranda, nakaupo sa may railings at nagyoyosi. Yosi. Ito ang aking stress reliever. Ang nagpapagaan ng aking loob tuwing pakiramdam ko pasan ko ang problema ng buong mundo. Alam ko masama para sa kalusugan ko 'to but it just feels so good.
"Nicole..."
Siya. Siya naman ang iniisip ko. Ang babaeng may kasalanan kung bakit kumikirot ang puso ko. Kung bakit kailangan kong magyosi gabi-gabi. Tuwing naaalala ko siya... boom. Parang ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil sa kanya. I mean, I barely know her. All we shared was two nights and a... kiss.
God. I can't stop thinking about how good that felt. Her lips connected to mine. Warmth. Joy. Care. Love. Teka, teka. Backtrack muna. Love? Haha. Nangangarap ka na naman boy. Paano mahuhulog sa akin ang isang matayog na bituin? Sa pelikula lang nangyayari yan. Isang kwento lang para sa mga naniniwala sa mga damsels in distress at mga knights and shining armor. Bullshit lang yan dude. Sa totoong buhay, mahirap na magkatuluyan ang langit at lupa. Dahil sa totoong buhay, marami kang kailangang alalahanin. Kaya mo bang ipambili ng ulam ang pag-ibig?
Stir lang ang pag-ibig na ipinapakita sa pelikula. Pinapaasa lang tayo na kaya ng pag-ibig natin na talunin ang lahat ng bagay. Na kaya ng pag-ibig natin na iligtas tayo sa mga bagay na ayaw natin, sa mga bagay na kinakatakutan natin. Na kaya ng pag-ibig na gawin tayong perpekto at ayusin ang lahat ng mga kasalanan at lahat ng mga pagkakamali natin. Napakalaking stir. Napakalaking kasinungalingan.
Pero... bakit patuloy pa rin akong umaasa? Patuloy ko pa rin sinasabi ng paulit-ulit. Sana. Sana. Sana. Sana. Bakit ba ako naniniwala, kahit gaano kahirap, na nagbago ako dahil sa isang halik. Dahil sa isang babae na dalawang beses ko pa lang nakakasama. Nakakabaliw nga naman talaga ang buhay.
'Nak ng... Nag-e-emote ako dito, tapos biglang magri-ring ang cellphone ko. Bwiset naman oh. Feel na feel ko na eh. Pang-award winning na eh. Nakakaasar naman.
"Hello?" May kaunting pagkairita sa boses ko. Ah, siya pala.
"Ei. Wassup?" sabi ko. Ano kaya pakay nito? Hmmm....
"Sa Embassy? When?" Kaya pala.
"Now? Sure. Give me five minutes..." sabay baba ng telepono.
May lakad na naman ako. Naks. Haha. Ganyan talaga. Busy ang nightlife. Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit. Ilang minuto pa ay lumabas ako sa condo at lumapit sa kotse ko, isang pulang Altis. Maya-maya pa ay nagpull-over ako sa tapat ng isang malaking bahay. Mansion na nga siya actually.
Bumukas ang pintuan sa passenger seat. Pumasok ang isang babae na naka-itim na mini. Kahit kailan maganda talaga legs ng babaeng ito.
"Yomz?"
"Yeah?"
"I'm glad you agreed to go out with me again even after what happened to us. I really appreciate it..." sabi niya. Really?
"Sure. No prob. I have nothing to do anyway."
"Oh. I promise I'll make this night worth it..." sabi niya na may kasamang "mischievous" smile kung tatawagin. Haha. Well, at least hindi malamig ang kama ko ngayong gabi. Pasensya na. Kaligayahan ko 'to eh.
"Sure Andrea..."
Hindi ko man siya mahal pero matutulungan niya ako upang makalimot sa babaeng nagmamay-ari ng puso ko...

No comments:
Post a Comment