Saturday, December 11, 2010

Imposible Part 8

All at once, you look across a crowded room for no one in particular, just looking. Suddenly, you see him, but, oh, how many times you've seen him before. So why did your heart just skip a beat? Your eyes meet by mere coincidence, or is it? At that moment you both instantly know that the relationship between the two of you, will never be the same again. - My Bestfriend's Wedding


Puno ang club. Ganito naman tuwing walang pasok kinabukasan. Humithit muna ako ng yosi bago kami pumasok ni Andrea. Kilala niyo naman si Andrea 'di ba? My ex who slept with my bestfriend? Yep. That's her. Marahil ay iniisip nyo kung ano ginagawa ko kasama siya. Simple lang ang sagot.

Panakip-butas.

Alam nyo yung feeling na nahanap niyo na yung babaeng alam mong mahal mo pero alam mo rin na hindi rin magiging kayo? Napaka-bad trip nun 'di ba? Masakit. Sobra. Parang may butas sa dibdib mo kung nasaan ang puso mo. Si Andrea ang panakip-butas. Hindi ko naman siya mahal. Good time lang ang habol ko. 'Yun lang naman. Masama alam ko pero... Ewan ko.

"Yomz?" sabi ni Andrea.

"Yeah babe?" tanong ko.

"What's wrong? You seem occupied..." sabi niya sa kanyang napaka-sexy na boses.

"Nothing. Forget about it. Tonight's between just you and me..." sabi ko. Ngumiti siya at niyakap ako. Hay... Napakadali naman nito.

"What do you want to do Drea?" tanong ko.

"Hmm... Let's dance first, then drink a few beers and..." sabi niya sabay ngiti. May kasama pang wink. Sino ba namang lalake ang makakatanggi sa ganoong imbitasyon.

Pumunta kami sa dance floor at sumayaw. Nakatalikod siya sa akin pero magkadikit kami. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagkembot siya. Ang paghinga niya habang sumasayaw. Ang mga kamay ko ay dahan-dahang hinamas ang curve ng kanyang katawan. Kung ang demonya ay nag-anyong babae para buhayin ang pagnanasa ng isang lalaki, ang katawan ni Andrea ang kukunin niya. Napaka-hot nitong babaeng ito. Madaming mata ang nakatitig dito sa chick na kasama ko. Marami siguro ang nag-iisip kung gaano ako kaswerte.

Hinawakan niya ang aking bewang at tinuloy ang pagsayaw niyo. Hindi maitago ng dilim ang makikinis niyang legs at ang suot niya... wala nang itinira para sa imahinasyon. Damn. She's hot. After a few more minutes, umupo na rin kami. Lumapit ang isang waiter.

"What can I get you?" sabi niya.

"I'll have a blowjob..." sabi ni Andrea habang nakangiti sa akin. Tsk tsk. Masama yan.

"Red Horse Stallion." Sinulat ng waiter ang order namin at umalis.

Tumingin sa akin si Andrea in that seductive stare all the beautiful girls know. Kakaiba nga eh. Sino kaya nagturo sa kanila nun? Yung tingin na tipong matutunaw ka at iinit ang katawan mo. Mapapaisip ka rin eh. Sa bibliya nandyan rin yung tingin na tinutukoy ko. Sa Genesis. Yung kwento ng Forbidden Fruit. Isipin mo, si Adan na siguro ang pinakamalambot na lalaki na makikita mo sa bibliya. Biruin mo, inabutan lang siya ni Eba ng isang mansanas na pinagbabawal. At alam niyang pinagbabawal ito. Pero anong ginawa niya? Kumagat pa rin siya. Tumikim pa rin siya ng bawal sa kanya. I mean, what's up with that? But then, kung makakakita ka ng isang babae na katulad ng nasa harapan ko ngayon, looking at you with that seductive stare and then it all makes sense. If 'yun ang ginawa ni Eba kay Adan, hindi na ako magtataka.

"Are you enjoying yourself?" sabi ko.

"Yes. Everytime I'm with you, it's definitely enjoyable..." sabi ni Andrea with that seductive stare and a half-pout in her lips. Yes. Hindi na nga ako nagtataka.

"Really babe. After this, my place or yours?" tanong ko.

"Definitely yours..." sabi niya. Small chat muna kami. Nag-uusap. Nangungumusta. I just don't care. Naghihintay na lang ako na magyaya siyang umalis.

Ilang minuto pa ang lumipas.

"Yomz, I'll go to the rest room muna ha. Then we'll go..." sabi niya sabay tayo.

Finally. Tagal. Tsk tsk. Inubos ko na ang Red Horse ko at kinuha ang bill. Nagbigay na ako ng pera at naghintay.

"Hey Yomz..." sabi ni Andrea.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Shall we? I've already paid..." sabi ko sa kanya.

"Yeah, but come with me for a while..." sabi niya sabay hawak sa aking kamay. Lumapit kami sa isang table. Tahimik lang ako at nag-iisip.

"Yomz, si Paolo kapatid ko at ang girlfriend niyang si Nicole..." sabi ni Andrea.

Nicole?

Tumingin ako. Si Nicole nga. Langya, sa lahat pa na magiging girlfriend ng kapatid ni Andrea... si Nicole pa. Ano ba. Wag ka namang ganyan Lord. Huwag mo naman sanang paglaruan ang puso ko.

No comments:

Post a Comment