Saturday, December 11, 2010

Imposible Part 9

There is no instinct like that of the heart. - Lord Byron


Dahan-dahang dumilat ang aking mga mata para batiin ang umaga. Tulad ng dati, ang una kong gawain pagkatapos gumising ay tingnan kung anong oras na. Alas-otso pa lang ng umaga. Medyo maaga-aga ata akong nagising ngayon. Sinubukan kong bumangon pero parang may mabigat sa dibdib ko na pumipigil sa akin. Tumingin ako. May nakita akong ulo. Teka, teka... ano bang ginawa ko kagabi at sino ang kasama ko?

Nicole.

Ngek. Siya na naman ang naiisip ko. Pero parang naaalala ko na nakita ko siya kanina. Nangyari nga ba ang imposible? Shet. Wait lang, isipin ko.

Rewind muna.

Pumunta ako Embassy. May kasama ako e. Si... Andrea. Tama, tama.

Tapos... nagsayaw kami ng mga isang oras ata... or maybe more. Can't remember. Then, umupo kami sa isang tabi.

At... bago kami umalis, pinakilala ako ni Andrea sa kapatid niya at umuwi kami dito.

Natatandaan ko na hindi ko pala na-lock yung pintuan pagkatapos namin pumasok. Nararamdaman ko pa rin ang init ng halik niya. Hinubad niya kaagad ang damit ko. Tapos yung kamay niya pumunta sa may pantalon ko at ilang segundo pa ay nakaluhod na siya sa harap ko habang dahan-dahang binababa ang pantalon kasama na rin ang underwear ko. Tiningnan niya ako in that sexy stare all pretty girls know. And she looked down again, opened her mouth and...

Teka. Napabilis ata. Balik, balik. Alam ko nandun si Nicole e. Pero saan dun?

Pinakilala ako ni Andrea sa kapatid niya. At... yung girlfriend. Si Nicole.

Oh.

Tiningnan ko si Andrea at hinalikan ko ang ulo niya bago ako maingat na umalis sa kama. Naghilamos ako, nagsipilyo at nagsuot ng shorts at t-shirt bago umupo sa couch at pinagmasdan ang condo ko.

Maliit lang sya. Medyo malaki-laki lang ang kwarto sa bahay ng kaunti pero ayos na rin. May sariling CR at shower. Walang air-con. Hindi ko naman kailangan e. Electric fan lang masaya na 'ko. Ano pa ba... may table sa harap ng couch. Sa sahig, nandun ang nakakalat na mga damit at isang pack ng dotted condom. Yung ref ko na walang laman kung hindi tubig at beer.

Get this party started on a Saturday night. Everybody's waitin' for me to arrive. Sendin' out the message to all of my friends...

Langya. Ano 'yun? Hindi naman naka-on yung radio o kung ano man. Pinakinggan kong mabuti. Parang nanggaling sa may pintuan. Cellphone siguro. Tumayo ako at lumapit.

We'll be lookin' flashy in my Mercedes Benz. I got lotsa style, check my gold diamond rings. I can go for miles if you know what I mean...

Oo na. 'Andyan na, 'andyan na. Ayun. Nilapitan ko muna ang pantalon ko at kinuha ang cellphone ko. Hindi akin. Nanggagaling pala sa handbag ni Andrea ang tunog na 'yun. Binuksan ko at hinalungkat ang kanyang bag. Lipstick. Eyeliner. Tissue. Hmm... asan na ba? Ayun. Naks. Ngayon lang ako nakakita ng phone na ganito ah. Ito yata ang bago ng Sony Ericsson.

I'm comin' up so you better get this party started. I'm comin' up so you better get this party started...

Binuksan ko ang flip phone na hawak ko. Pumindot ng kung ano. Message pala. Mabuksan nga.

Congratulations you have won... blah blah blah. Mga promo-promo na naman. Nakakasira naman ng araw 'to.

Hmm... Pahinga na nga muna ako. Binuksan ko ang pinto, dumiretso sa veranda at umupo sa may railings. Kinapa ko ang bulsa ko. Teka, hindi yosi 'to ah. Shet. 'Yung dalawang cellphone ang nadala ko. Since tinatamad na akong bumalik, binuklat ko na lang cell ni Andrea at pinakialaman.

Ate Nicole
+639202707604

Hindi kaya si Nicole 'to? God. This looks like a scene from some cheesy movie. Kinuha ko ang cell ko at...

Ano nga bang gagawin ko? Ano ang gagawin ko? Bakit ko ba nilabas 'tong cell ko? Para saan? Nababaliw na ba ako? Nahihibang? Ano kaya iniisip ko at ba't ko ginagawa ito? Shet.

"Hello. Is anyone there?"

Teka. Boses ni Nicole 'yun ah. Langya, na-iimagine ko na 'ata na tinawagan ko sya. Teka, bakit may mainit sa may tenga ko? Shet. Cell ko. Oh fuck. Tinawagan ko nga si Nicole. At hindi ko lang iniimagine 'yun. Boses nga nya 'yun. Ano na naman 'tong pinasok kong 'to? Bahala na.

"Ei. Si Yomz 'to. Musta na?"

No comments:

Post a Comment